NANINDIGAN | Malacañang, binigyang diin na hindi pinalalampas ang mga ginagawa ng China sa mga pinagaagawang isla sa WPS

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na hindi susuko ang Pamahalaan sa pagsusulong ng karapatan nito sa pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Haryy Roque, hindi kailan man tatalikuran ang Pamahalaan ang hawak nitong titulo sa pinagaagawang rehiyon sa karagatan.

Sinabi din ni Roque na kahit pa walang magawa ang bansa kung ang usapin ay sa puwersa militar ay ginagawa parin ng gobyerno ang lahat para ipaglaban at pangalagaan ang karapatan sa ating soberenya.


Patunay aniya dito ay ang pagpapatuloy ng diplomatic initiatives sa Pangunguna ng Department of Foreign Affairs.

Binigyang diin din ni Roque na hindi ibigsabihin na tahimik ang gobyerno sa issue ay wala na itong ginagawa o pinalalampas lang ng pamahalaan ang mga ginagawa ng China dahil ang totoo ay mayroong mga hakbang na ginagawa ang Pilipinas para maresolba ang nasabing issue.

Facebook Comments