DRUG CASE | DOJ, mag-iisyu ng produce order laban kina Peter Lim, Peter Co at Lovely Impal

Manila, Philippines – No show pa rin sa pagdinig ng DOJ panel kaugnay ng drug trade case na isinampa ng PNP-CIDG sina Peter Lim, Peter Co at Lovely Impal.

Bigo ring maghain ng kanilang kontra salaysay ang tatlo.

Security threat ang idinadahilan ng kampo ni Peter Lim habang si Peter Co ay nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa at si Lovely Impal naman ay naka-detain sa Iligan city.


Bunga nito, magpapalabas ang DOJ panel ng produce order laban kina Lim, Co at Impal para mapilitan silang sumipot sa susunod na hearing sa May 30 kung saan sila ay manunumpa rin sa kanilang kontra salaysay.

Nakatakda ring mag-isyu ng subpoena ang panel sa iba pang respondents na hindi nakadalo sa pagdinig kanina.

Present naman sa hearing si Kerwin Espinosa at siya ay nanumpa na sa kanyang counter affidavit.

Dumalo rin sa imbestigasyon ang testigo ng PNP-CIDG na si Marcelo Adorco na dating tauhan ni Kerwin.

Facebook Comments