Manila, Philippines – Nanindigan si outgoing Ombudsman Conchita Carpio-Morales na wala siyang planong pumasok sa pulitika kasabay ng pagtatapos ng kaniyang termino sa July 26.
Ayon kay Morales, wala siyang pinagsisisihan sa pitong taon niya bilang Ombudsman.
Anya, naniniwala siyang alam ng papalit sa kaniya ang mga kasong dapat bigyan ng prayoridad pero dapat tutukan pa rin nito ang lahat ng kaso.
Pagmamalaki pa ni Morales, 77 percent ang naging conviction rate sa mga nasampahan nila ng kaso.
Giit pa ni Morales na ang iiwan niyang legacy bilang Ombudsman ay ang pagiging loyal sa rule of law.
Facebook Comments