Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sapat ang inaprubahang P25 na umento sa sahod para sa mga minimum wage worker sa Metro Manila.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III – ang inaprubahang wage increase ay base na rin sa konsultasyon ng regional tripartite wages and productivity board sa mga employer.
Aniya, hindi lang naman ikinokonsidera sa pagpapatupad ng wage adjustment ang pangangailangan ng mga manggagawa kundi maging ang kakayahan ng mga employer na magbigay ng dagdag-sahod.
Paliwanag naman ni Ma. Criselda Sy, Director ng NCR wage commission – bukod sa posisyon ng mga manggagawa at employer, pinag-aralan din nila ang posibleng maging impact nito sa inflation.
Samantala, nasa P537 na ang bagong minimum wage na mapapakinabangan ng nasa tatlong milyong mga manggagawa sa NCR.
Magiging epektibo ito labinlimang araw matapos mailathala sa dyaryo.