NANINDIGAN | Pangulong Duterte, iginiit sa Pilipinas gawin ang peace talks

Manila, Philippines – Naninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sa Pilipinas isagawa ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines – National Democratic Front of the Philippine-New People’s Army (CPP-NDF-NPA).

Sa kanyang talumpati sa ika-81 anibersaryo ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Pasay City, iginiit ni Duterte na wala siyang nakikitang dahilan kung bakit sa labas ng bansa gagawin ang usapang pangkapayapaan.

Ayon sa Pangulo, usapang pang-Pilipinas ang pag-uusapan kaya dapat lamang sa loob ng Pilipinas ito gawin.


Aniya, ito ang dahilan kaya inaanyahan niya si CPP Founder Jose Maria Sison na umuwi ng bansa.

Sakaling mabigo naman aniya na magkasundo sa “60-day window” ay tinitiyak ng Pangulo na makakalabas ng bansa si Sison pero huwag na itong babalik pa sa Pilipinas.

Facebook Comments