59th Araw ng Cotabato ipinagdiriwang, Student Intern ng DXMY tinanghal ng Mutya 2018

Ipinagdiriwang ngayon ng mga taga Cotabato City ang ika 59th Araw ng Cotabato. Kasalukuyang isinasagawa rin ang isang parada na nilahukan ng mga kawani ng LGU, mga guro at istudyante, pnp, afp, at ibat ibang sektor.
Naging tampok sa weeklong celebration ang ibang ibang mga aktibidad at kabilang sa mga ibinida ang ipinagmamalaki ng syudad ang Inaul.

Samantala kinoronahan bilang Mutya ng Cotabato 2018 ang 19 year old na BA Communication Student ng Notre Dame University na si Khrizia Bielle Villa. Si Khrizia ay naging Student Intern ng DXMY RMN Cotabato, habang first runner up si Justine Ikkah Gonzalez at 2nd Runner ang CPA na si Michelle Glimada.

Nakisaya rin sa Pageant Night sina Daniel Matsunaga, Juliana Palermo at Gabby Conception.
Kaugnay nito patuloy ang imbitasyon ni Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi sa lahat na saksihan at makisaya sa selebrasyon habang patuloy rin ito sa paghimok sa kanyang mga kababayan na patuloy na makiisa sa kanilang mga programa, kampanya at adbokasiya para na rin tuloy tuloy na katiwasayan at kaunlaran sa syudad.
Pic : YGA


Facebook Comments