Manila, Philippines – Nanindigan si PNP Chief Ronald dela Rosa na hindi nya kailangang humingi ng paumanhin sa Reuters.
Kasunod ito ng kanyang pahayag na tila itinaon ng Reuters ang paglalabas ng balita partikular ang nangyaring anti-illegal drugs operation sa Maynila na ikinasawi ng apat na drug suspects sa plano ng pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa kanila ang pangunguna sa war on drugs.
Paliwanag ni PNP Chief Ronald dela Rosa kapag alam nyang mali sya mabilis syang humingi ng paumahin.
Pero sa isyung ito aniya wala syang sinabing kakutsaba ng mga druglords ang Reuters taliwas sa official statement ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) na isinasangkot ni Dela Rosa ang Reuters sa mga druglords kaya dapat itong magsorry.
Sa ngayon aniya ay pinaiimbestigahan nya na ang ginawang drug operation sa Maynila sa PNP-Internal Affairs Service upang matukoy kung may pagkakamali ang mga pulis, kung mayron aniya hindi nila ito kukunsintihin.