Manila, Philippines – Naninidigan si Colonel Bonifacio De Gracia Presidente ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) na na-elect ng magsagawa ng election ng officers and members of the VFP noong December 2017 sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa Arroceros Street, Manila.
Una rito pinayuhan ni Administrator of the Philippine Veterans Administration, na Mr. Ernesto Carolina, si Colonel De Gracia na bakantehin na ang kanyang posisyon dahil nagpalabas ng memorandum si Secretary Delfin Lorenzana na nagdedeklara na null and void ang resulta ng naturang election at nagtatalaga na ang kalihim ng bagong VFP President.
Pero hindi kinikilala ni Colonel De Gracia ang naturang memorandum dahil wala umanong otoridad si Lorenzana na magdeklara ng walang saysay ang naturang election o mag-designate kung sinu-sino sa nasabing position dahil nakasaad aniya sa kanilang charter ng VFP na magsasagawa ng election at hindi magtatalaga ng kung sino ang nais ng kalihim.
Paliwanag ni Colonel De Gracia nakatanggap siya ng reliable information na mayroong grupo ng military ang susugod sa kanilang opisina at pwersahang paalisin ang mga opisyal VFP na pinamumunuan ni Carolina at magtalaga ng panibagong presidente na itatalaga umano ni Lorenzana.
Giit ni Colonel De Gracia, naghahanda na ang kanilang mga kasamahan upang manindigan na hindi sila aalis maliban nalamang na ipag-uutos ng korte na bakantehin ang kanyang posisyon.