Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-aalangan na gamitin ang kanyang kapangyarihan para kumpiskahin ang lahat ng mga bigas na itinatago sa mga warehouse.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, babala ito ng Pangulo sa rice hoarders na gagamitin nito ang buong pwersa ng estado para sapilitang buksan ang mga warehouse kung saan itinatago ang mga bigas.
Sinabi rin ni Roque na doble-kayod ngayon ang gobyerno para tugunan ang tumataas na inflation o halaga ng bilihin at serbisyo.
Kinumpirma rin ni Roque na mayroong isang rice trader na ipinatawag ni Pangulong Duterte na umano ay natatago ng tone-toneladang bigas at binalaan itong kakasuhan ng economic sabotage.
Hindi na pinangalanan ng Malacañang kung sino ang rice trader.