NANINDIGAN | Teritoryo ng Pilipinas, kailanman ay hindi isinuko sa China – Malacañang

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na hindi isinuko at hindi isusuko ng Pamahalaan ang ating karapatan sa mga disputed islands sa South China Sea.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng mga nakitang tarpaulin kung saan nakalagay na ang Pilipina ay isa nang probinsiya ng China.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang katotohanan ang nakalagay sa tarpaulin dahil patuloy na ipinaglalaban ng Pamahalaan ang teritoryo ng Pilipinas.


Wala namang balak ang Malacañang na ipatanggal ang mga tarpaulin.

Ayon kay Roque, bahala na ang publiko o kung sino man ang nangangailangan na kunin ang nasabing tarpaulin na maaari aniyang gamiting trapal.
Sinabi narin ni Roque na marahil ay ang mga kalaban ng Administrasyon ang nagpagawa at nasabit ng tarpaulin para urutin ang Administrasyon.

Facebook Comments