Nagpapatuloy ang pagsuporta ng Armed Forces of the Philippines sa isinusulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippine – New Peoples Army National Democratic Front CPP-NPA-NDF.
Ito ang tiniyak ni AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo sa harap ng pahayag ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na hindi na interesado ang Pamahalaan sa seryosong peace negotiations.
Dahil sa ilang beses nang naantala ang peacetalks at ang pinakahuli ay ang pagsuspendi ng gobyerno sa backchannel talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.
Kaya para kay Sison wala nang pagpipilian ang NPA at mga Pilipino kundi makipag gyera upang makamit ang pang matagalang kapayapaan.
Pero sinabi naman ni Arevalo hindi nila alam kung ano ang pinagbatayan ni Sison sa mga pahayag nito.
Sa katunayan aniya mas marami ngayon ang sumusukong NPA.
Sa ngayon aniya nakakatutok lamang ang AFP sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagsulong ng peacetalks.