NANINIWALA | Malacañang, umaasang mas aayos ang takbo ng NFA ngayong nasa pangangalaga na ito ng Department of Agriculture

Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na mas magiging coordinated na ang efforts ng National Food Authority o NFA sa Department of Agriculture ngayon naibalik na ni Pangulong Duterte sa pangangasiwa ng DA ang NFA sa bisa ng Executive Order number 62.

Nabatid na bukod sa NFA ay ibinalik narin ni Pangulong Dutere sa DA ang pangangasiwa sa Philippine Coconut Authority at sa Fertilizer Pesticide Authority.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil sa hakbang ng Pangulo ay mas magkakaroon na ng close coordination ang DA sa NFA.


Dahil aniya dito ay inaasahan na mas magiging episyente ang determinasyon kung kailan kinakailangan na magangkat ng bigas dahil nasa pangangalaga ng DA ang datos kung gaanong karami ang inani ng mga lokal na magsasaka sa isang partikular na panahon at kung gaano karami ang kailangang angkatin ng Pamahalaan.

Facebook Comments