Manila, Philippines – Ikinatuwa ni House Speaker Gloria Arroyo ang bahagyang pagbaba ng inflation sa bansa ngayong Nobyembre sa 6%.
Naniniwala si Arroyo na bunsod ng pagdami ng supply sa bansa ang dahilan ng pagbaba ng inflation rate sa 6% mula sa 6.7% noong Oktubre.
Dahil dito, inirekomenda ni Speaker Arroyo na dapat pabahain o paramihin pa ang supply ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino para lalo pang bumaba ang inflation at sumunod na rin ang pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin.
Nauna rito, sinabi ni SGMA na noong siya ay Presidente ay umabot sa 6.6% ang inflation pero nagawa niya itong pababain dahil sa ginawang mga importasyon.
Ang pagdami ng importasyon at supply ang isa sa solusyong nakikita ni GMA para humupa ang inflation sa bansa.