NANINIWALA | Rebolutionary Government dapat ng ideklara – ayon sa isang abogado

Manila, Philippines – Naniniwala ang abogado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na Panahon na seguro na magdeklara ng Rebolutiounary Government dahil hindi naman makakuha ng suporta mula sa mga Mambabatas.

Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Atty. Larry Gadon na iginiit nito na sa pamamagitan lamang ng Revolutionary Govt. ay matutuldukan na ang matinding kahirapan ng bansa dahil itutulak na nito ang Federalism na siyang susi umano upang magtagumpay makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap na Pilipino.

Paliwanag ni Atty. Gadon na mas mainam umano ang Revolutionary Govt.kaysa plano ng mga kritiko ni pangulong Duterte na Red October na ang layon ay pababain sa pwesto ang pangulo.


Malinaw aniya ang plano ng mga kritiko ng pangulo na Red October dahil tumatawag sila ng mga rally at hinihikaya na pabagsakin ang gobyerno.

Giit nito na hindi na kailangan umano na humingi pa ng tulong sa Mossad ang Intelligence ng Israel para malaman ang kanilang mga plano dahil halatang halata umano ito na kaparehas noon ginawa nila kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments