NANLABAN | 2 holdaper, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang dalawang holdaper matapos manlaban sa mga
pulis sa Ermita, Maynila.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay na suspek na kapwa lalaki, habang
nakatakas naman ang isa nilang kasamahan.

Kwento ng biktimang si alyas “Mary”, kalalabas lamang niya ng isang
fast-food restaurant sa Dapitan Street nang holdaping tatlong suspek na
sakay ng motorsiklo saka inagaw ang kanyang bag.


Agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na nagsagawa naman ng
follow-up operation kung saan pagsapit sa likod ng post office ng Maynila
ay dito na naganap ang barilan.

Bukod sa nabawing bag ng biktima ay narekober rin ng mga otoridad ang
dalawang kalibre 38 baril.

Facebook Comments