ROAD ALERT | MMDA, pinayuhan ang mga motorista at commuters na maghanap ng alternatibong daan sa isasagawa nilang road repairs sa EDSA

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development
Authority (MMDA) ang mga motorista at commuters na maghanap ng
alternatibong ruta lalo’t ilang road reblocking at repairs ang isasagawa sa
ilang bahagi ng EDSA.

Ayon kay MMDA Acting General Manager Jojo Garcia – mag-uumpisa ang road
works sa weekend March 23 hanggang 26.

Bukod dito, nakatakda rin ang pagsasaayos ng mga kalsada mula June 1
hanggang 4.


Sakop ng road repair ang kahabaan ng Aurora Boulevard hanggang P. Tuazon
southbound at Nepa Q-Mart hanggang kamuning northbound.

Gagawin lamang ang mga road repairs mula alas-11:00 ng gabi hanggang
alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments