NANLABAN | 2, patay sa buy-bust sa Davao del Sur

Davao del Sur – Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Barangay Sinawilan, Matanao, Davao del Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Cris Joe Cabarrubias Eleazar at Jan Ray Cumahig.

Ayon sa mga awtoridad, nanlaban ang mga ito nang mahalata nilang pulis ang kanilang katransaksiyon.


Narekober mula sa mga suspek ang P18,000 halaga ng shabu at marijuana, isang kalibre .45 na baril, at isang kalibre .38 na baril.

Batay pa sa pulisya, miyembro umano ng isang drug group ang mga suspek at kabilang din sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Facebook Comments