ROAD ACCIDENT | Magkaangkas sa bisikleta, sugatan nang masagasaan ng oil tanker

ParaƱaque City – Sugatan ang dalawang magkaangkas sa bisikleta matapos masagasaan ng oil tanker sa ParaƱaque City.

Sa kuha ng dash cam ng isang sasakyan makikitang biglang sumulpot sa gitna nila ang dalawang magkaangkas sa bisikleta.

Maya-maya pa, biglang nawala sa kuha ng dashcam ang dalawang biktima na nasagasaan na pala ng tanker.


Agad naman huminto ang tanker at naitakbo sa ospital ang dalawang biktima habang nasa police station ang driver ng tanker.

Facebook Comments