NANLABAN | Brgy. Captain sa Balabac Palawan, patay sa isinagawang drug buy bust operation

Palawan – Nasawi ang isang bagong halal na Punong Barangay sa Balabac Palawan matapos na manlaban sa tropa ng pulisya at militar nang isagawa ang drug buy bust operation kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawing Punong Barangay na si Pistoh Akin Hamja, Brgy Captain ng Brgy Mangsee Balabac Palawan.

Habang nakatakas ang kasama nitong kinilalang si Jaulkalnain Usman, alias “Haji Bittoh” kapwa residente ng Brgy. Mangsee, Balabac, Palawan.


Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt Imelda Tolentino alas -3:00 ng madaling araw kanina nang maganap ang pagsalakay sa bahay ng suspek bitbit ang search warrant laban sa suspek dahil sa kasong may kinalaman sa iligal n droga.

Pero sa halip na sumuko sa mga awtoridad ay nanlaban pa ito dahilan nang kanyang pagkamatay.

Si Hamja ay kabilang sa High Value Target sa lalawigan.

Narekober mula sa kanyang pagiingat ang limang piraso ng plastic sachet ng shabu, at magazine mula sa hindi matukoy na klase ng baril.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng pulisya at militar sa lugar para maaresto ang nakatakas na kasama ni brgy captain Hamja.

Facebook Comments