NANLABAN | Dalawang drug suspek, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang dalawang drug suspek matapos maka-engkwentro ng MPD station 1 sa Tondo, Maynila.

Ayon kay MPD Station 1 Commander Police Superintendent Jay Dimaandal, nakahalata ang mga su*sp*ek na sina alyas Frank at Angelo na pulis ang kanilang katransaksyon kaya at bumunot sila ng baril at nagpaputok sa mga otoridad.

Nagkaroon pa ng habulan at palitan ng putok sa imbakan ng container van sa Road 10 Smokey Mountain kung saan dito na napatay ang mga suspek.


Nakuha sa pinagyarihan ng insidente ang mga baril, shabu at mga drug paraphernalia.

Nagulat naman ang MPD Station 1 ng makita nila ang sandamakmak na foil sa loob ng container van na tinakbuhan ng mga suspek kaya at hinala nila na dito nagsasagwa ng drug session ang mga adik sa lugar.

Facebook Comments