NANLABAN | Dalawang holdaper, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila

40

Manila, Philippines – Patay ang dalawang holdaper matapos makabarilan ng mga pulis sa tulay ng Altura, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Police Superintendent Andrew Aguirre, hinarang ng riding in tandem ang biktimang si alyas Kara sa Santiago kanto ng Mindanao Avenue kung saan kinuha ng mga suspek ang bag nito na naglalaman ng dalawang cellphone, mga I.D. at pera.

Sakto naman na may mga pulis na nagpapatrolya kaya at agad nakapagsumbong ang biktima.

Nagkaroon ng habulan at barilan kung saan pagsapit ng tulay sa Altura ay dito na bumulagta ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Dead on the spot ang isa habang dead on arrival sa hospital ang kasabwat nito.

Facebook Comments