NANLABAN | Dalawang holdaper, patay sa engkwentro sa Laguna

Laguna – Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek matapos na mang-holdap sa isang gasolinahan sa Calamba City, Laguna.

Naganap ang insidente sa bypass road sa Barangay Bucal kung saan naharang ng mga pulis ang mga suspek pero nanlaban ang mga ito dahilan ng kanilang pagkamatay.

Narekober sa mga suspek ang isang improvised shotgun ang perang natangay sa isang Shell Gas station.


Patuloy naman inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung anong grupo ito nabibilang.

Facebook Comments