Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos na mauwi sa engkwentro ang ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Manila Police District (MPD).
Nangyari ang insidente sa Barangay 128 sa Balut, Tondo na sakop ng MPD Station 1 kung saan unang nangholdap ang mga hindi nakilalang suspek sa isang babaeng nakasakay ng motorsiklo.
Tinangay ng dalawa ang pera, cellphone at motorsiklo ng babaeng biktima saka mabilis na tumakas.
Pero na-monitor pala sa CCTV ng barangay ang insidente kaya at agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at naharang nila ang mga suspek pero nanlaban ito kaya nasawi sa insidente.
Facebook Comments