NANLABAN | Dating pulis, patay sa buy-bust operation sa Valenzuela City

61

Valenzuela City – Patay ang isang dating pulis nang manlaban sa buy-bust operation sa St. Jude Subdivision, Malinta, Valenzuela City.

Kinilala ang nasawi na si dating PO2 Exequiel Sangko, na kasama sa national drugs watch list.

Sa ulat, bumunot ng baril si Sangko matapos makaramdam na isang PDEA agent ang kaniyang katransaksiyon.

Nagawa naman ng PDEA agent na unahan ang suspek kaya at tinamaan ito ng bala sa katawan.

Dinala pa sa Dalandanan Emergency Hospital ang suspek pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Nakuha kay Sangko ang ilang sachet ng shabu at isang hindi lisensiyadong baril.

Facebook Comments