NANLABAN | Dating tauhan ni Kerwin Espinosa, patay matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis

Ormoc City – Patay matapos manlaban sa mga pulis ang sinasabing dating tauhan ni Kerwin Espinosa sa Ormoc City.

Sa ulat, maghahain lang sana ng warrant of arrest ang mga pulis sa suspek na si Max Miro sa bahay ng live-in partner nito sa Barangay Bantigue pero agad itong nagpaputok ng baril.

Gumanti naman ang mga otoridad kaya at napatay ito kung saan narekober sa kaniya ang isang .45 kalibre ng baril.


Napag-alaman na dati nang sumuko ang suspek dahil sa sangkot sa ilegal na droga pero nakalaya din makaraang magpiyansa.

Facebook Comments