NANLABAN | Drug pusher, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Basilan

Basilan – Patay ang isang hinihinalang drug pusher nang makipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi sana ng arrest warrant sa kaniya sa Isabela City sa Basilan.

Sa ulat ng Isabela City Police Station, target ng kanilang operasyon ang suspek na si Uring Aliyarin Akil na wanted sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Unang nagpaputok ang suspek kaya at nakipagbaril na din ang mga pulis.


Nakatakas ang wanted na suspek habang napatay ang isa niyang kasamahan na si Alpahad Hadi kung saan naaresto ang isa pang kasabwat nito na si Ismael Mukahlul Daggong.

Nakuha mula sa mga suspek ang limang medium size sachet na naglalaman ng sabu, isa pang malaking pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments