SUNOG | Mga namatay sa sunog na nangyari sa Tondo, nakilala na

Manila, Philippines – Nakilala na ang mga namatay sa naganap na sunog sa Tondo, Maynila kahapon.

Ayon sa investigation unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila ang mga namatay ay sina Ysabel Ygornia, 8-anyos, kapatid na si Bryan Ygornia, 7-anyos at Juliana Bermudo, 13-taon at isa pang batang lalaki.

Patay na rin nang idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang nanay nina Ysabel at Bryan na si Anabel, 30-anyos habang ginagamot pa rin ang dalawa pang biktima.


Nabatid na nagsimula ang sunog sa isang eskinita at nadamay lamang ang gusali na tinitirhan ng mga biktima dahil mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na nakababa ang mga ito.

Napag-alaman din na may fire exit ang gusali ngunit nasa ikatlong palapag at walang hagdan pababa kung saan wala ring permit ang paupahang gusali.

Aabot naman sa 25 ang pamilya ang apektado sa sunog na tumupok sa 15 bahay.

Facebook Comments