NANLABAN | Drug suspect, patay habang kasama nito sugatan sa buy bust operation

21

Quezon City – Patay ang isang drug suspect habang sugatan ang isa niyang kasamahan matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Payatas, Quezon City. Kinilala ang napatay na si Abdul Asis Daemon alyas “Rudy” at ang sugatan na si Xander Gal Dela Cruz. Naaresto din sa operasyon sina Michael Mahinay, at Rizen Oclas Sobrepena habang nakatakas ang isa pang suspek na si Nazeer Sindato. Habang isinasagawa ang buy bust operation, nakatunog si Dela Cruz na pulis ang kaniyang katransaksyon. Sa halip na sumuko, nagpaputok pa umano si Dela Cruz dahilan para gumanti ang mga pulis. Nanlaban din si Daemon na noon ay nasa bahay ni Dela Cruz kung saan nagkataon na may nagaganap na shabu session. Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang dalawa pero idineklarang dead-on-arrival si Daemon. Narekober sa crime scene ang labinlimang (15) sachet ng shabu, isang kalibre 38 baril, shot gun, marked money at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments