TIGOK SA RIDING IN TANDEM | 3 tricycle driver, magkakasunod na tinambangan sa Caloocan

Caloocan City – Tatlong tricycle driver ang magkakasunod na tinambangan ng mga riding in tandem ang sa Caloocan City sa linggong ito. Binaril sa harap mismo ng kanyang anak ang apatnapu’t tatlong taong gulang na si Arnold Martinez habang nag-aabang ng pasahero sa terminal ng tricycle sa Malolos Avenu, Bagong Barrio. Ayon kay PO1 Ariel Dela Cruz ng Caloocan PNP, ang anak pa mismo ni Martinez ang nagsugod sa kanya sa ospital kung saan idineklara siyang dead on arrival. Pareho namang pumapasada sina Allan Alday at Dennis Odtuhan ng pagbabarilin ng riding in tandem. Inaalam pa ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima. Sa inisyal na imbestigasyon, wala sa kanila ang kasama sa barangay watchlist.

Facebook Comments