Quezon City – Patay ang isang lalaki na hinihinalang gunrunner matapos na pumalag sa buy-bust operation ng pulisya sa Payatas Road, Quezon City.
Nakilala lang ang suspek sa alyas “Black” habang nakatakas ang kasabwat niyang si alyas “Boy” sakay ng motorsiklo.
Sa halagang P50,000 binili ng nagpanggap na buyer ang isang kalibre .38 baril.
Pero nakahalata raw ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon, sabay bunot ng baril at nagpaputok.
Ayon kay Quezon City Criminal Investigation and Detection Group Superintendent Charlie Cabradilla, posibleng sangkot din sa gun-for-hire activities at pagtutulak ng iligal na droga ang mga suspek.
Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang buy-bust money at dalawang kalibre 38 revolver.
Facebook Comments