PALAISIPAN | Pangalan ng baby boy nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, alamin

Manila, Philippines – Matapos makumpirmang nanganak na si Ellen Adarna noong June 27.

Palaisipan naman ngayon sa mga netizen kung ano ang pangalan ng baby boy nila ni John Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon kasi tahimik pa rin ang dalawa hinggil sa panganganak ni Ellen.


Pero kamakailan, na-ispatan ang aktor na namimili ng baby items na ayon sa mga nakakita ay para sa lalaki.

Samantala, sa artikulong isinulat ni MJ Marfori para sa The Manila Times, pinangalanan raw nina Ellen at John Lloyd ang kanilang baby na “Elias Modesto”

Isinunod daw ito sa pangalan ng lolo nitong si Alan Modesto, ang ama ni Ellen.

Facebook Comments