NANLABAN | Isang carnapper, kritikal matapos matamaan ng bala sa katawan

Valenzuela City – Inoobserbahan ngayon sa Valenzuela Medical Center ang isang carnapper na kinilala bilang si Michael Pornove na tinamaan ng bala sa katawan, makaraan manlaban sa mga otoridad habang inaaresto ito.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, inagawan ng suspect ang motorsiklo mula sa isang Indian national sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

Wala nang nagawa ang biktima nang tutukan ito ng baril ni Pornove.


Sa follow up operation inabutan, nang mga otoridad ang suspect sa masikip na iskinita na positibo namang kinilala ng biktima.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspect.

Facebook Comments