NANLABAN | Isang drug suspect, patay matapos manlaban sa mga pulis sa South Cotabato

South Cotabato – Patay ang isang high valued target na drug suspect matapos isagawa ang search operation ng mga otoridad sa bayan ng Polomolok at Tupi, South Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Allan Sajo, 25-anyos, residente ng Purok 10-A, bayan ng Tupi.

Si Sajo ang target ng operasyon kung saan una itong nagpaputok sa operating team matapos na makatunog na pulis ang kanyang katransaksyon.


Gumanti naman ng putok ang pulis na nagpanggap na buyer dahilan upang tamaan ng bala si Sajo kung saan dinala pa sa ospital ang suspek ngunit idineklara nang dead on arrival.

Narekober sa kanya ang isang homemade .22-caliber revolver at ilang sachet ng shabu.

Facebook Comments