SURRENDER | Apat na miyembro ng NPA, sumuko sa Saranggani Province

Saranggani Province – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa 73rd Infantry Battalion sa Barangay Kinam, Malapatan, Saranggani Province.

Kinilala ang mga sumuko na sina Dante Lumayas, Dang Lumayas, Degoh Lumayas at Malkuni Lumayas.

Isinuko rin ng mga ito ang dalawang m16 rifle, isang garrand rifle, isang IED (Improvised Explosive Device) at dalawang handheld versa radio.


Ayon sa mga sumuko, iniwan nila ang kanilang grupo sa takot na maipit sa engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at ng tropa ng pamahalaan kung saan sawa na rin sila sa pagtatago.

Ang mga sumuko ay nabigyan ng livelihood assistance at tulong pinansyal ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments