NANLABAN | Isang pinaghihinalaang hitman, patay sa engkwentro sa Cebu

26

Cebu City – Patay ang isang pinaghihinalaang “professional hitman” matapos manlaban sa mga tauhan ng Regional Special Operations Group (RSOG)-Central Visayas sa Barangay Ermita, Cebu City.

Tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng suspek na si Janice Cabugason, 33-anyos.

Nabatid na agad rumesponde ang mga otoridad sa naturang lugar matapos makatanggap ng impormasyon sa tinatambayan ng suspek.

Hindi naman sumuko ang suspek matapos kausapin at sa halip ay nanlaban ito hanggang sa mapatay.

Facebook Comments