NANLABAN | Isang tricycle driver na tulak ng iligal na droga, patay sa Pandi, Bulacan

41

Bulacan – Dead on the spot ang isang tricycle driver na tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Masagana, Pandi, Bulacan.

Kinilala lamang sa alyas na Robin ang napatay na suspek na raket ang pagbebenta ng shabu habang pumapasada ng tricycle.

Ayon sa Pandi Municipal Police, nauwi sa barilan ang kanilang isinagawang drug buy-bust operation laban kay alyas Robin matapos nitong magpaputok makaraang matunugan na pulis pala ang katransaksyon.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang limang sachet ng shabu at isang kalibre 38 baril.

Facebook Comments