KRITIKAL | Isang Korean national, sugatan matapos barilin sa Caloocan

48

Caloocan City – Kritikal ang isang Korean national matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek malapit sa isang resort sa Caloocan City.

Tatlong tama ng bala sa tiyan ang natamo ng biktima na wala pang pagkakakilanlan kung saan naka-confine ito sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial hospital sa North Caloocan.

Sa kuha ng CCTV, makikita na ibinaba ang Koreano ng isang black na van at saka pinagbabaril.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam na din ang pangalan ng suspek maging ang plate number ng saksakyan.

Facebook Comments