NANLABAN | Lalaki, patay matapos makipagbarilan sa buy-bust operation sa Bulacan

Bulacan – Patay ang isang drug suspek matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Look 1st sa Malolos, Bulacan.

Kinilala lamang sa alyas na Gipsay ang nasawing suspek na nakuhanan ng isang baril at tatlong plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱130,000.00.

Sa ulat, aarestuhin na ng mga otoridad si alyas Gipsay matapos ang transaksiyon kung saan nakiusap muna ito bago bumunot at magpaputok ng baril.


Dahil dito, napilitan gumanti ang mga otoridad na nagresulta sa pagkasawi ng suspek at maswerte namang walang nasugatan sa hanay ng mga pulis.

Facebook Comments