NANLABAN | Lalaki, sawi matapos manlaban sa Davao City

Davao City – Patay ang isang lalaki matapos makaengkwentro ng mga pulis sa Davao City.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Dodong’ na itinuturo ring bumaril sa hindi pa nakilalang lalaki sa Quimpo Boulevard.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng sumbong na may isang armadong lalaki na nasa isang bilyaran sa San Pedro Street.


Nang dumating ang mga pulis sa lugar, bigla umanong bumunot ng baril si ‘Dodong’ at nagpaputok.

Nakatakbo pa umano ang suspek bago siya matamaan ng bala nang gumanti ang mga pulis.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na armas at 7 empty shell.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa suspek hinggil sa naunang pamamaril nito.

Facebook Comments