NATUPOK | 8 silid-aralan, nasunog sa Negros Occidental

Negros Occidental – Natupok ng apoy ang walong silid-aralan ng Doña Monserat Lopez Memorial High School sa Silay City, Negros Occidental.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ₱500,000 ang halaga ng nasunog.

Lumaki ang sunog dahil sa mga papel at plastic sa loob ng mga silid-aralan.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, electrical ang pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments