NANLABAN | Lider ng Rojo drug group, sugatan sa buy-bust operation San Pedro City, Laguna

San Pedro City – Sugatan ang sinasabing lider ng Rojo drug group sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Vicente, San Pedro City, Laguna.

Sa ulat, isinagawa ang operasyon sa suspek na si Gaudencio Rojo III sa loob ng Harmon Homes kung saan ito nakatira.

Nakatunog ang suspek na pulis pala ang kaniyang katransaksyon kaya at nagpaputok ito ng baril.


Napilitan naman gumanti ng putok ang mga pulis kaya at tinamaan ang suspek saka isinugod sa ospital.

Napag-alaman na sangkot ang grupo ng suspek sa ilegal na droga at nakawan sa lugar at dati na rin itong may rekord ng robbery at carnapping.

Facebook Comments