NANLABAN | Limang hinihinalang kidnaper, patay matapos maka-engkwentro ang PNP-AKG

San Pablo, Laguna – Patay ang limang hinihinalang kidnaper habang isang pulis ang nasawi matapos makipag engkwentro sa mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group.

Naganap ang ang putukan pasado alas-6:00 ng umaga kanina sa Barangay San Nicolas, San Pablo, Laguna.

Batay sa inisyal na impormasyon, kinuha raw ng grupo ang isang lalaki na nagngangalang Ronaldo De Guzman Arguelles kagabi sa kanyang bahay sa Candelaria, Quezon.


Ayon kay Anti Kidnapping Group Director Police Senior Superintendent Glenn Dumlao, sa pagdukot, tinangay ng mga armado ang mga gamit ni Arguelles at saka isinakay sa isang sasakyan.

Pagkatapos nito ay nakatanggap ng ransom demand ang pamilya ng biktima na nagkakahalaga ng P700,000.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang AKG at ng makita ang sasakyan ng suspek sa San Pablo, Laguna ay agad nila itong nilapitan ngunit nakatunog ang suspek at pinapatukan ang mga myembro ng AKG.

Gumanti naman ng putok ang AKG dahilan sa pagkakasawi ng 5 na mga hinihinalang kidnaper.

Sinabi pa ni Dumlao na nakasuot ng uniporme ng pulis ang limang nasawing kidnaper.

Ang name cloths ay SPO2 Adalla, SPO3 Fernandez, PO3 Dizon, PO2 Rebadulla at isa pang hindi nakikilala.

Isang pulis naman ang nasawi na kinilalang si PO1 Andal.

Facebook Comments