Manila, Philippines – Nakapagtala na ang Philippine National Police nang isang daan at dalawang nasasawing drug personalities sa kanilang mga anti illegal drug operations.
Ayon kay PNP Spokersperson Police Chief Supt. John Bulalacao nasawi ang mga ito matapos na manlaban umano sa mga ikinasang drug operation ng PNP.
Umaabot na rin sa 10, 088 ang mga naarestong drug personalities ng PNP nationwide.
Nasawi at naaresto ang mga drug personalities na ito matapos isagawa ang 6,477 drug operation simula noong December 5, 2017 nang ibalik sa PNP ang pagsasagawa ng drug operation hanggang kahapon March 1, 2018.
Tiniyak naman ni Bulalacao na magpapatuloy ang kanilang kampanya kontra droga batay na rin sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments