SUICIDE | Isang babae, nagpakamatay matapos maka-away ang live–in partner nito sa Ilocos Sur

Ilocos Sur – Dahil sa away sa kaniyang live-in partner, isang babae ang nagpakamatay sa San Ildefonso, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Marvelin Tabuna, 38-anyos na residente ng Barangay Bajet.

Sa imbestigasyon, nagalit ang biktima sa live-in partner nito matapos mapag-alaman na mayroon na itong ibang babae kaya at pinalayas niya ito.


Ilang araw ang lumipas ay sinubukan pa raw kausapin ng ginang ang live-in partner niya pero wala na ito sa kanilang bahay ng kaniyang puntahan.

Nabatid na naglasing muna ang biktima bago umuwi sa kanilang tahanan at doon na nakita ng kanyang kamag-anak na nagbigti na ito sa loob ng banyo.

Facebook Comments