
Mandaue City – Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Mandaue City Police Office at PNP Counter Intelligence Task Force sa Tipolo, Mandaue City.
Kinilala itong si Police Senior Inspector Raymond Hortezuela nakatalaga sa Negros Oriental Police Provincial Office.
Ayon kay PNP CITF Director Police Senior Superintendent Romeo Caramat alas 7:50 ng gabi kagabi nang maaresto at mapatay ang suspek ng mga nagoperate na pulis matapos na manlaban.
lsinugod pa ito sa Mandaue District Hospital pero idineklarang dead on arrival.
Sinabi ni Caramat nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga operatiba dahilan para mabuking ang suspek.
Nakuha sa nasawing PNP officer ang 2,000 piso, kalibre 45 baril, 7 piraso ng empty shells, isang transparent plastic na may lamang 75 piraso ng sachet ng shabu na nakuha sa upuan ng kanyang sasakyang honda na may plate number ZEJ 663, na pinapaniwalaang carnap.
Batay sa report ng PNP, ang nasawing si Hortezuela ay sangkot sa transaksyon ng iligal na droga sa Cebu City at isa sa protektor nang na napatay na drug lord na si Jeffrey Diaz alyas Jaguar.
Nakatalaga ito noon sa Guadalupe Police Station na sinasabing sangkot sa pagre-recycled ng mga narerekober ng shabu.
Sinasabing matapos mamatay noon si Jaguar at nakikipag ugnayan pa rin ang suspek sa mga natitirang miyembro ng Jaguar group.










