NANLABAN | Pulis na kabilang sa narco list patay matapos manlaban

105

South Cotabato – Napatay ang isang pulis na kabilang sa narco list ng Pangulong Rodrigo Duterte at nasa level 2 high value target matapos na manlaban sa kapwa nito mga pulis nang magsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ang nasawing suspek na si PO2 Ernie Mahumot Sagabay.

Si Sabagay ay una nang naaresto noong July 10, 2018 dahil sa illegal possession of firearms matapos ang ikinasang drug operation ng mga awtoridad.

Ipinagtaka na noon ng operating ang presenya ng pulis sa drug operation.

Nakulong ito dahil sa kasong illegal possession of firearms pero nakalaya matapos makapag-pyansa

Sa ulat ng PNP Region 12, kahapon ay nagsagawa na ng buy-bust operation laban sa pulis pero natunugan ng suspek na siya ang target ng operasyon kaya una pa itong nagpaputok ng baril sa mga suspek.

Gumanti ng putok ang mga pulis, sugatan ang suspek at naisugod pa sa Polomolok Municipal Hospital pero idineklarang dead on arrival.




Narekober sa nasawing suspek ang apat na sa maliliit na sachet ng shabu at isang kalibre 38 revolver.

Facebook Comments