NANLABAN | Tatay na inireklamo ng panggagahasa sa sariling anak, patay

Manila, Philippines – Patay matapos manlaban sa mga tauhan ng* Quezon City Police District* o QCPD ang isang padre de pamilya na inireklamo ng panghahalay sa sarili niyang anak.

Nabatid na anim na taon na palang hinahalay ng suspek ang 13-anyos na anak sa kanilang tahanan sa Barangay Old Balara.

Sumbong ng bata, pitong taong gulang pa lang siya nang simulan itong gawin sa kanya.


Bilang patunay, ipinakita niya sa kanyang ina ang mga balat ng condom na itinatapon ng tatay niya sa likod ng kanilang TV.

Agad namang nagsumbong sa pulisya ang mag-ina at nang puntahan ang suspek, nakipagbarilan siya sa mga pulis hanggang sa mapatay.

Facebook Comments