NANLABAN | Wanted person, patay; 2 pulis, sugatan

34

Negros Occidental – Sugatan ang dalawang pulis ng Sipalay PNP matapos makipagbarilan sa isang wanted person habang sinisilbihan ng warrant of arrest kahapon ng umaga. Kinilala ang mga sugatan na pulis na sina PO2 Armando Arsenal na may daplis na tama ng bala sa kanyang ulo at PO2 Joy Pabera na may tama ng bala sa kanyang dibdib at braso. Kinilala naman ang napatay na suspek na si Emerson Antepaso Jr ng Barangay Manlocahoc, Sipalay City at may warrant of arrest sa kasong murder matapos pagbaril nga mga kasamahang pulis nina Arsenal at Pabera. Patuloy naman na ginagamot sa ospital sa Sipalay City si PO2 Arsenal, samantala nilipat na sa isang pribadong ospital sa Bacolod si PO2 Pabera.

Facebook Comments