NAPAGTRIPAN? | Transgender na binugbog ng mga lalaki sa Cebu City, kritikal ang kondisyon

58

Cebu City – Maselan ang kondisyon ng isang bading matapos itong maoperahan sa isang pangpublikong ospital dahil sa pambubugbog sa kaniya ng ilang mga kalalakihan sa Barangay Quiot sa lungsod ng Cebu. Ang biktima na nakilalang si Noel Radaza ay nawalan ng malay matapos bugbugin nang tinatayang walong mga lalaki noong Lunes ng madaling araw sa upper genes sa nasabing barangay. Naglalakad lang ang biktima kasama ang kaniyang apat pang mga kaibigan nang madaanan nila ang nag-iinumang mga lalaki at tinawag sila para lumapit dito. Ngunit ilang minuto pa lang ay ikinagalit ng isa sa mga lalaki ang presensiya ng mga bading na nagresulta sa pangbubugbog sa biktima na si Radaza, habang nakatakbo naman ang ilang mga kasamahan nito. Sumuko noong Miyerkules ang isa sa mga suspek na si clifford Gimenez sa barangay kapitan ng Quiot na si Francis Espares. Humihingi ngayon ng tulong ang pamilya ng biktima sa local na pamahalaan sa lungsod ng Cebu para sa gastusin ng biktima sa ospital.

Facebook Comments