NANODROPS | Eye drop na kayang magpalinaw ng mata, naimbento sa Israel

Israel – Isang revolutionary eyedrops na kaya raw mag-correct ng vision problems ang naimbento ng mga scientist mula Bar-Ilan University sa Israel.

Tinawag itong “Nanodrops” na kayang makapag-pagaling ng Myopia (nearsightedness), Hyperopia (farsightedness) at kayang palitan ang multifocal lenses ng mata para makita ang mga bagay mula sa malalayong distansya.

Ayon sa Ophthalmologist at Developer nito na si Dr. David Smadja, una nila itong sinubukan sa baboy na may damaged corneas.


Kayang-kaya nga raw nitong mapalinaw ang mata hanggang sa puntong hindi mo na kailangang magsuot ng salamin.

Pero sa ngayon, isasailalim pa rin ito sa clinical trials.

Facebook Comments